Ito yung mga panahong gusto kong uminom sa isang hotel. Yun isang kwartong may veranda. Tapos mahangin sa labas. Sa ilalim ng napakaraming mga bituin. Malamig, mahangin tapos si Eraserheads yun background music ko. Tapos mag isa lang ako. Nakatingin sa kalawakan, hawak ang bote ng San Mig light sabay inom. Tapos iisipin ko lahat ng mga problema ko. Ang kinabukasan ko, ang karera ko, ang pera ko, ang likhang-isip na pera ko, ang bar, mga nanakit sa akin, ang mga taong sinaktan ko din, ang mga taong nagpaiyak sa akin, ang mga taong pinaiyak ko din, ang nangako sa akin, ang mga taong pinangakuan ko din, ang taong minsan kong minahal, ang taong di ako minahal, ang taong umiwan sa akin sa ere, ang taong iniwan ko din, ang taong nagpatawa sa akin, ang taong di ko kayang patawanin, ang taong pinagnasaan ko din, ang taong ugh...wag na lang..., ang mga taong di naniwala sa akin, ang mga taong pinaniwalan ko masyado, ang mga taong akala ko hanggang sa huli makakasama ko pa din, pero mukhang may kanya-kanya na ding mundong ginagalawan at balang araw kakalimutan ka din...
Ayun, sa dami ng gusto kong isipin mukhang kulang ang isang gabi at 3 bote ng San Mig Light na kaya ko lang inumin. Pag lumampas ako sa tatlong bote, baka katukin ko ang mga taong naka check in din sa hotel at baka isipin nilang immoral ako haha.
Ayan naman kasi ang sakit ko. Isip ako ng isip. Kahit hindi dapat pinagtutuunan na ng pansin, gusto ko pa din isipin. Ampanget lang di ba? Masakit sa ulo. Nakakatanda ng sampung taon.
Tumawag kanina ang isang kaibigan ko. Inaaya ako sa Rockwell, birthday daw nya. Kaso nga kakambal ko sa mga panahong ito si Juan Tamad. Gusto ko ngang uminom, yun uuwi ng bahay ng basag. Pero tamad din akong magbihis ng magara,magsuklay at magpaganda. Gusto ko lang uminom ng kape, nakapambahay kamukha ko si Inday, at humarap sa computer at magsulat. Ng walang kakwenta-kwentang bagay. Bakit ba? Walang basagan ng trip. Gusto ko lang makipag-usap sa sarili ko. Buti nga hindi malakas ang tinig ko e.
Eto na sa sana yun parte ng panunulat na ito na magkukwento ako ng drama. Yun mga karanasan ko sa buhay. Yun mga hindi ko karanasan sa buhay. Eto na sana yun parteng kukuha ako sa kaibuturan ng puso ko ng emosyon at isasaletra ko. Ang kaso, nakakadiri na ako. Emotera. Oo nga pala, hindi ako si Nora Aunor sa mga pelikula, yun babaeng inaapi at pinapaiyak. Lumang tugtugin na yun. Ako si Darna.
Tingin ko lang.
Mas mahal ko ang sarili ko na masayahin ngayon. Yun marunong ng lumaban. Yung hindi kinikimkim lahat ng galit. Yun may pait pa din sa puso, pero dinadaan na lang sa dasal at pagtawa at harinwa'y balang araw makakalimutan ko din ang mga bagay na nasaktan ako, at marunong magpatawad.
At tingin ko, mas mahal ako ng mga kaibigan ko ngayon dahil mas stable na ang emosyon ko? Ewan, tingin mo?Aaaay wag na lang.
So ayun nga, mabalik ako sa veranda sa hotel. Hawak ko pa din ang bote ng San Mig Light. Mahangin. Malamig. Gusto ko sanang umiyak. Kaso naisip ko. Tangina! Kadiri ako bipolar na nga, iyakin pa. Di na.
Ayoko.
Echusera.
Emotera.
Yuck.
Itigil na yan.
UNGAS.